Nagpapahayag ng mga tao
ang kanilang mga ideya, kaisipan, damdamin, karanasan at diwa sa paraan na pagsulat ng
Panitikan.
Nakatuklas ng Sistema ang pagsulat na
nakapagpago sa hubog ng kasaysayan ng mundo ang mga Sinaunang Mediterranean. Naging batayan ng iba’t ibang bansa ang Panitikang
Mediterranean. Mitolohiya ng Roma, sanaysay ng Gresya, parabulang mula sa Syria,
nobela at maikling kuwento ng France, epiko ng Sumeria at tula ng Egypt ang
ilang mga tumatak at nakaimpluwensiya, ito din ang aking mga itatalakay ngayon.
I.
MITOLOHIYA
-
Tumutukoy ito sa
kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad
ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila
at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Mitolohiya mula sa Roma (Italya)
-
Ang Mitolohiyang
Romano ay mga kwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa
kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala.
-
Halimbawa ng
mitolohiyang Romano ang kwentong “Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis”, sa
kwentong ito habang naglalaro daw si Venus at ang kanyang anak na si Kupido ay
di sinasadyang natamaan ni kupido ng kanyang pana ang kanyang ina, nagpasya si
Venus na sa daigdig na lamang siya magpapagaling. Pag dating niya sa daigdig na
kilala niya si Adonis na napaka hilis sa pangangaso. Nagpaalam si Venus isang
araw na uuwi daw siya sa bundok ng Olimpus at sinabihan niya si Adonis na
mag-ingat siya. Pumunta si Adonis sa gubat para manghuli ng baboy-ramo pero sa
kasamaang-palad any baboy-ramo ay nanglaban at si Adonis ay nilapa. Bumalik
agad si Venus ng malaman ito ngunit pagdating niya ito’y naghihingalo na.
Ginamit ni Venus ang kanyang kapangyarihan at ginawang napakagandang bulaklak
ang dugo na ngayo’y pinaniniwalaan daw na rosas na simbolo ng pagmamahalan.
Mitolohiyang Pilipino
-
AngMitolohiyang
Pilipino ay kwentongbayan na tumutukoy sa kalipunanngmga mito mula sa
isangpangkatng tao sa isanglugar na naglalahadngkasaysayanngmgadiyos-diyosannoongunangpanahon
na sinasamba, dinarakila at pinipintakasingmgasinaunang tao.HalimbawangMitolohiyang
Pilipino ay angkwentong
II.
SANAYSAY
-
isang maiksing komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na kuro kuro ng may akda
Sanaysay mula sa Gresya
-
Maraming sanaysay ang nagmula
sa Gresya at isa sa mga sikat na sanaysay na nagmula dito ay ang sanaysay ni
Plato na “Alegorya sa Yungib”. Inilarawan ni
Plato ang tunay na kalagayan ng tao kung saan paniwalang paniwala tayo na totoo
ang nakikita natiin at nabubuhay tayo sa katotohanan mula sa paniniwala na
walang laman.
III.
PARABULA
-
Isang uri ng
maikling kwento ang parabula,
tao ang karaniwang gumaganap dito,
at naglalarawan ito ng katotohanan. Ito din ay minsan hango sa bibliya kung
saan ito ay naglalaman ng mga aral.
Parabulang mula sa Syria
-
Isa sa sikat na
parabula ay ang Tusong Katiwalian, sa kwentong ito ay nalaman ng amo na
nilulustay ng kanyang alipin ang kayang kayamanan at dapat ito’y papaalisin
niya na ngunit ng nakaisip ng paraan ang alipin ito’y di niya pinaalis at pinuri
niya pa ang kaniyang alipin dahil dito. Sabi sa bibliya “Ang
mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking
bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.
Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino
ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?” Sa kwentong ito, isa sa mga
aral na makukuha dito ay kung ikaw ay pinagkatiwalaan sa isang bagay dapat
ito’y seryosohin at gawin ng maayos.
IV.
MAIKLING KWENTO at NOBELA
-
Isang anyo ng
pampanitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tao ang maikling kwento.
-
Isang uri din ng
pampanitikan ang nobela. Ang nobela
ay mas mahaba at binubuo ng iba’t-ibang mga kabnata.
Maikling Kwento at Nobelang mula sa Pransiya
-
Isa sa mga sikat na
maikling kwento ay “Ang Kwintas” na isinulat ni Guy de Maupassant.
-
Isang halimbawa naman ng nobela na mula sa
bansang Pransiya ay ang “Kuba ng Notre Dame” na isinulat ni Victor Hugo, sa
katunayan nagging sikatang nobela ito at ginawa itong isang palabas sa sine.
Maikling Kwento at Nobela mula sa Pilipinas
- Isang halimbawa naman ng maikling kwento na mula sa Pilipinas ay
ang “Sa
Bagong Paraiso” naisinulat ni Efren Abueg.
-
Isa
sa mga sikat na nobela ay ang isinulat ni Dr. jose Rizal ang “Noli Me tangere”
at ang “El Filibusterismo”
V.
EPIKO
-
Ito ay mala-tulang
salaysay na nagpapahiwatig ng kabayanihan ng pangunahing tao sa storya, madalas
din itong mahiwaga.
Epiko ng Sumerian
-
Halimbawa ng Epiko
ay ang “Epiko ni Gilgamesh”, ang epikong ito ay nagmula pa noong ikatlong
dinastiya ng mesapotamia.
Epiko
mula sa Pilipinas
-
Halimbawa ng
epikong Pilipino ay ang “Biag ni Lam-ang” na mula pa sa mga Ilokano.
VI.
TULA
Tula mula sa Ehipto
-
IIsang
uri ng panitikan at sining na naglalayong maipahayag ang damdamin o ideya sa
pagsusulat ang tula. Ang tula ay binubuo ng mga saknong at taludtod.
Halimbawa nito ay ang tinig ng ligaw na gansa.
Tula
na mula sa Pilipinas
-
Isang halimbawa
nito ay ang isinulat ni Dr. Jose Rizal na ang “Mi Ultimo adios” o “Huling
Paalam”. Isa pang halimbawa ay ang “Bayang Pilipinas” na isinulat ni Amado V.
Hernandez.
Opinyon
Sa aking palagay halos wala namang pinagkaiba
ang dalawa dahil naging basehan din naman ng ating panitikang ang Panitikang Mediterranean.
Ang bawat panitikan ay nakatulong sa paghubog ng mga pinaniniwalaan ng mga tao
ngayon.