Panitikang Mediterranean at Panitikang Pilipino

3:29 AM



Ano ang pumapasok sa iyong utak tuwing naririnig mo ang salitan “panitikan”? 

Nagpapahayag ng mga tao ang kanilang mga ideya, kaisipan, damdamin, karanasan at diwa sa paraan na pagsulat ng Panitikan.

Nakatuklas ng Sistema ang pagsulat na nakapagpago sa hubog ng kasaysayan ng mundo ang mga Sinaunang Mediterranean. Naging batayan ng iba’t ibang bansa ang Panitikang Mediterranean. Mitolohiya ng Roma, sanaysay ng Gresya, parabulang mula sa Syria, nobela at maikling kuwento ng France, epiko ng Sumeria at tula ng Egypt ang ilang mga tumatak at nakaimpluwensiya, ito din ang aking mga itatalakay ngayon.

I.             MITOLOHIYA
-          Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Mitolohiya mula sa Roma (Italya)
-      Ang Mitolohiyang Romano ay mga kwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala.
-      Halimbawa ng mitolohiyang Romano ang kwentong “Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis”, sa kwentong ito habang naglalaro daw si Venus at ang kanyang anak na si Kupido ay di sinasadyang natamaan ni kupido ng kanyang pana ang kanyang ina, nagpasya si Venus na sa daigdig na lamang siya magpapagaling. Pag dating niya sa daigdig na kilala niya si Adonis na napaka hilis sa pangangaso. Nagpaalam si Venus isang araw na uuwi daw siya sa bundok ng Olimpus at sinabihan niya si Adonis na mag-ingat siya. Pumunta si Adonis sa gubat para manghuli ng baboy-ramo pero sa kasamaang-palad any baboy-ramo ay nanglaban at si Adonis ay nilapa. Bumalik agad si Venus ng malaman ito ngunit pagdating niya ito’y naghihingalo na. Ginamit ni Venus ang kanyang kapangyarihan at ginawang napakagandang bulaklak ang dugo na ngayo’y pinaniniwalaan daw na rosas na simbolo ng pagmamahalan.
Mitolohiyang Pilipino
-      AngMitolohiyang Pilipino ay kwentongbayan na tumutukoy sa kalipunanngmga mito mula sa isangpangkatng tao sa isanglugar na naglalahadngkasaysayanngmgadiyos-diyosannoongunangpanahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasingmgasinaunang tao.HalimbawangMitolohiyang Pilipino ay angkwentong
II.                  SANAYSAY
-      isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro kuro ng may akda
Sanaysay mula sa Gresya
-      Maraming sanaysay ang nagmula sa Gresya at isa sa mga sikat na sanaysay na nagmula dito ay ang sanaysay ni Plato na “Alegorya sa Yungib”. Inilarawan ni Plato ang tunay na kalagayan ng tao kung saan paniwalang paniwala tayo na totoo ang nakikita natiin at nabubuhay tayo sa katotohanan mula sa paniniwala na walang laman.
III.                PARABULA
-      Isang uri ng maikling kwento ang parabula, tao ang karaniwang gumaganap dito, at naglalarawan ito ng katotohanan. Ito din ay minsan hango sa bibliya kung saan ito ay naglalaman ng mga aral.
Parabulang mula sa Syria
-      Isa sa sikat na parabula ay ang Tusong Katiwalian, sa kwentong ito ay nalaman ng amo na nilulustay ng kanyang alipin ang kayang kayamanan at dapat ito’y papaalisin niya na ngunit ng nakaisip ng paraan ang alipin ito’y di niya pinaalis at pinuri niya pa ang kaniyang alipin dahil dito. Sabi sa bibliya “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?” Sa kwentong ito, isa sa mga aral na makukuha dito ay kung ikaw ay pinagkatiwalaan sa isang bagay dapat ito’y seryosohin at gawin ng maayos.

IV.              MAIKLING KWENTO at NOBELA
-      Isang anyo ng pampanitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tao ang maikling kwento.
-      Isang uri din ng pampanitikan ang nobela. Ang nobela ay mas mahaba at binubuo ng iba’t-ibang mga kabnata.
Maikling Kwento at Nobelang mula sa Pransiya
-      Isa sa mga sikat na maikling kwento ay “Ang Kwintas” na isinulat ni Guy de Maupassant.
-      Isang halimbawa naman ng nobela na mula sa bansang Pransiya ay ang “Kuba ng Notre Dame” na isinulat ni Victor Hugo, sa katunayan nagging sikatang nobela ito at ginawa itong isang palabas sa sine.
Maikling Kwento at Nobela mula sa Pilipinas
-      Isang halimbawa naman ng maikling kwento na mula sa Pilipinas ay ang “Sa Bagong Paraiso” naisinulat ni Efren Abueg.
-      Isa sa mga sikat na nobela ay ang isinulat ni Dr. jose Rizal ang “Noli Me tangere” at ang “El Filibusterismo”
V.                EPIKO
-      Ito ay mala-tulang salaysay na nagpapahiwatig ng kabayanihan ng pangunahing tao sa storya, madalas din itong mahiwaga.
Epiko ng Sumerian
-      Halimbawa ng Epiko ay ang “Epiko ni Gilgamesh”, ang epikong ito ay nagmula pa noong ikatlong dinastiya ng mesapotamia.
Epiko mula sa Pilipinas
-      Halimbawa ng epikong Pilipino ay ang “Biag ni Lam-ang” na mula pa sa mga Ilokano.
VI.              TULA
Tula mula sa Ehipto
-      IIsang uri ng panitikan at sining na naglalayong maipahayag ang damdamin o ideya sa pagsusulat ang tula. Ang tula ay binubuo ng mga saknong at taludtod. Halimbawa nito ay ang tinig ng ligaw na gansa.
Tula na mula sa Pilipinas
-      Isang halimbawa nito ay ang isinulat ni Dr. Jose Rizal na ang “Mi Ultimo adios” o “Huling Paalam”. Isa pang halimbawa ay ang “Bayang Pilipinas” na isinulat ni Amado V. Hernandez.


Opinyon

Sa aking palagay halos wala namang pinagkaiba ang dalawa dahil naging basehan din naman ng ating panitikang ang Panitikang Mediterranean. Ang bawat panitikan ay nakatulong sa paghubog ng mga pinaniniwalaan ng mga tao ngayon.

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts